top of page

PROJECT KARITON

K-asamang

A-agapay sa

R-esponsibilidad na

I-taguyod ang

T-amang gawi sa

O-ras na

N-apakikinabangan

 

            Ang proyektong ito ay inilunsad noong Nobyembre 2018, Kasabay ng pagdiriwang ng National Reading Month.

            Bilang tugon sa panawagan ng Kagawaran ng Edukasyon na palakasin ang kampanya na ang bawat mag-aaral a dapat nakababasa, ang proyektong nabanggit ay sama-samang binigyan ng katuparan ng mga guro at katuwang ng stakeholders.

            Nakabuo ng 3 kariton para sa pagsisimula ng proyekto. Ito’y nabuo dahil sa donasyon ni Punong Brgy. Julieta S. Sapinoso.

            Ang kariton ay naglalaman ng mga aklat na babasahin na magagamit ng mga mag-aaral sa kanilang malalayang oras. Ito’y puwedeng dalhin sa mga gusali ng bawat grade. Naglalaman ito ng mga babasahin na puwedeng gamitin ng Kindergarten hanggang Grade Six. Ang mga aklat sa kariton ay pantulong sa mga mag-aaral upang magamit nila sa kaniloang pagbabasa lalo na sa mga mag-aaral na hirap sa pagbabasa.

            Ang proyektong ito ay maituturing na kapatid ng library. Sinikap ng paaralan na magawan ng paraan ang kakulangan sa silid-aklatan.

            Nang dahil sa pagtaas ng populasyon ng Pasong Santol Elem. School , nawalan ng espasyo para sa mga ancillary rooms. Kung kaya’t ang library ng paaralan ay ginamit na rin na silid-aralan.

0-4116_facebook-logo-circle-transparent-

DepEd Tayo Pasong Santol ES-Imus City

177-1777154_phone-buttons-png-telephone-

(046) 454-2796

CONNECT WITH US

HOW MANY VISITED US?

bottom of page