PAGPAPALAGANAP NG KAMPANYA UKOL SA KALIGTASAN UPANG MAIWASAN ANG COVID-19
ni: RONALD T. SIA
Dalubguro 2
Nais ng paaralan na ligtas ang mga mag-aaral at mga guro sa muling pagbabalik sa paaralan.Sinisikap ng paaralan na masunod ang lahat ng pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng COVID-19.
Naging puspusan ang paghahanda ng paaralan sa pangunguna ni Bb. Lorna F. Arambulo, Clinic Teacher ng paaralan sa pagsasagawa ng mga kinakailangang gawin upang matugunan ang mga health protocol na dapat ipatupad sa paaralan.
Nagkaroon ng oryentasyon sa mga guro kaugnay sa mga proseso na dapat gawin sa mga mag-aaral sa pagsisimula ng klase ukol sa mga pag-iingat upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus. Namahagi ng mga alcohol, face mask, thermal scanner, basurahan, at UV sterilization box sa mga guro. Ito’y gagamitin ng mga mag-aaral bilang alinsunod sa pinatutupad na health protocols sa mga paaralan.
Pinulong at binigyan ng oryentasyon ang mga non-teaching staff, school security personnel, at mga utility kaugnay sa mga dapat gawin sa pag-iingat upang hindi kumalat ang virus sa paaralan.
May itinayong triage sa paaralan upang maging kanlungan ng mga mag-aaral sa pagkuha ng body temperature at may sintomas ng sakit. Dito maglalagi ang mga mag-aaral na hindi bumababa ang body temperature matapos sumailalim sa tatlong attempt.
Nakipagtulungan din ang mga officers ng GPTA sa pag-aasikaso ng pagpapasok sa gate ng mga mag-aaral upang maging maayos ang daloy ng pagpasok. Nangako rin ang mga GPTA Officers na sa oras ng uwian ay boluntaryo silang tutulong upang mag-assist sa mga School Security Personnel sa pagpapalabas ng mga mag-aaral sa oras ng uwian.
Naglagay din ng mga paalala sa mga bulletin board ng bawat building kaugnay sa mga dapat gawin at sundin ng mga mag-aaral upang maiwasan ang pagkakaroon ng virus.
Ipatutupad ang mahigpit na implementasyon ng mga pag-iingat sa paaralan.
Oryentasyon 2022
ni: RONALD T. SIA
Dalubguro 2
Ang ORYENTSYON 2022 para sa Taong Panuruan 2022-2023 ay isinagawa noong Agosto 19, 2022. Ito’y hinati sa dalawang batch. Ang unang batch ay para sa Kindergarten hanggang Grade 3 (9am). Ang ikalawang batch ay para sa Grade 4 hanggang Grade 6 (2pm).
Sa araw ding iyon ay ginanap ang State of the School Address para sa Taong Panuruan 2021-2022. Iniulat ni G. Manuel R. Tagbago ang mga pangyayaring naganap sa paaralan noong nakaraang school year.
Sa oryentasyon na naganap ay tinalakay ang mga sumusunod:
-
School Rules and Regulations- Ito ay ipinaliwanag ni Ronald T. Sia
-
School Facilities- Tinalakay ni Jonathan B. Padre
-
Child Protection Policy- Si Bb. Aileen D. Narce, Gurong Tagapamatnubay ang tumalakay.
-
Classroom Assessment- Ito’y pinaliwanag ni Bb. Alma R. Delmindo
-
Canteen Matters- Ang canteen manager na si Bb. Love Joice Sagucio ang nagpaliwanag sa oryentasyon.
-
Health Matters- Tinalakay ni G. Manuel R. Tagbago.
Ipinakilala rin ang mga gurong naglilingkod sa paaralan kasama ang mga non-teaching personnel.
Dumalo sa pagtitipon ang mga magulang, stakeholders, GPTA Officers,
at School Governing Council Officers.
Nagkaroon ng open forum pagkatapos ng pagtalakay sa mga topic.
Dumalaw sa oryentasyon (2nd batch) ang Parent Supervisor ng PSES na si Dr. Ricardo R. David III. Nagbigay siya ng mensahe kaugnay sa pagbubukas ng klase.
Natapos ang 1st batch ng oryentasyon ganap na ika-12 ng tanghali at ang 2nd batch naman ay ika-5 ng hapon.
Ayon sa punungguro ng paaralan, bukas ang opisina ng paaralan para sa mga katanungan o paglilinaw kaugnay sa pagbubukas ng klase.
Bida Lessons INSET, idinaos
ni: RONALD T. SIA
Dalubguro 2
Ginanap ang dalawang araw na In-Service Training kaugnay sa Bida Video Lessons sa Pasong Santol Elementary School noong HBulyo 26-27, 2022 sa ICT ng paaralan.
Layunin ng worksyap-seminar na makagawa ng video lessons na magagamit sa klase sa Taong Panuruan 2022-2023.
Dinaluhan ng mga guro ng paaralan ang isinagawang gawain na hitik sa impormasyon dahil sa galing ng mga tagapanayam.
Binigyang diin ni Dr. Rolando B. Talon Jr, EPS sa TLE/EPP na ang mga Bida Video Lessons na magagawa ay malaki ang maitutulong sa mga mag-aaral na Imuseńo lalo pa at ito'y susog sa lokalisasyon na nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELC).
Naging tagapanayam ang dating TV Broadcaster ng GMA 7 na si G. Julius Anthony M. Segovia na tinalakay ang mga impormasyong may kaugnay sa TV Broadcasting.
Ipinagpatuloy noong Hulyo 27 ang ikalawang araw ng panayam at naging tagapagsalita ang mga guro na sina G. Ronald T. Sia, Bb. Alma R. Delmindo, at Bb. Evanna Mae N. Lajom.
Inaasahan na ang mga video lesson na magagawa ng mga guro ay magagamit sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Imus.
3 barangay sa Anabu, sumuporta sa Brigada Pagbasa ng PSES
ni: RONALD T. SIA
Dalubguro 2
Puspusan ang ginagawang pagpapatupad ngayon ng Pasong Santol Elementary School para sa kanilang Brigada Pagbasa 2021.
Bahagi ng kanilang gawain ang hanapan ng lunas ang mga mag-aaral na hirap sa pagbasa at mga hindi makabasa.
Totoong mahirap ang kalagayan ngayon dahil sa pandemya, pilit pa rin ginagawan ng paraan ng mga guro na maturuan ng pagbabasa ang mga mag-aaral kahit ang learning modality na pinaiiral sa paaralan ay modular printed.
Nakipag-ugnayan ang paaralan sa tatlong barangay na nakasasakop sa Pasong Santol Elementary School upang hingiin ang tulong kaugnay sa implementasyon ng programang Brigada Pagbasa 2021.
Dinaluhan ng barangay officials at tatlong SK Chairman ang pulong na ginanap noong Setyembre 17 sa Anabu 2E Covered Court na sakop ni Punong Barangay Lorenzo G. Paredes.
Tinalakay sa miting ang proseso ng gagawing pagpapabasa at magiging papel ng barangay sa nasabing gawain.
Nagbigay ng suporta ang tatlong Punong Barangay na handa silang tumulong sa mga mag-aaral na nakatira lalo na sa mga nasasakupan nilang barangay.
Ang Brigada Pagbasa 2021 ay tatagal ng sampung buwan at ang mga guro ay naghanda ng iba’t ibang gawain na makatutulong sa pag-abot ng layunin ng programang inilunsad.
909 na enrollment sa PSES, naitala
ni: RONALD T. SIA
Dalubguro 2
Nagsimula na ang unang araw ng pasukan sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong Pilipinas noong Setyembre 13.
Dumagsa sa mga paaralan ang mga magulang na kumuha ng modules at learning activity sheets para sa kanilang mga anak na kabilang sa modular printed na learning modality.
Nakapagtala ng 909 na enrollment ang Pasong Santol Elementary School sa unang Linggo ng pasukan na binubuo ng 453 na babae at 456 na lalaki.
Bukas ang paaralan sa pagtanggap ng mga magpapatala hanggang katapusan ng buwan.
Ayon kay Manuel R. Tagbago, punungguro ng paaralan, kailangang dalahin ang mga dokumentong kinakailangan para sa pagpapaenrol at bukas ang opisina simula Lunes hanggang Biyernes para sa pagtanggap ng late enrollees.
Pinatutupad pa rin ang modular printed katulad noong nakaraang school year dahil lumabas sa sarbey na kaunti lamang ang may koneksyon ng internet sa kanilang mga tahanan.
Hinihikayat ng pamunuan ng paaralan na sundin ang mga health protocol na ipinatutupad sa distribution at retrieval ng learning activity sheets.
Determinado ang mga guro na kahit may pandemya ay tuloy-tuloy pa rin sa paglilingkod sa mga mag-aaral dahil naniniwala sila sa mantra ng Schools Division Office Imus City na, HINDI OBLIGASYON, KUNDI DEDIKASYON.
Genaro R. Gojo Cruz, naging Tagapanayam sa ginanap na INSET sa PSES noong Disyembre 18, 2020 na may paksang GURONG PALABASA, MAG-AARAL NA PALABASA: PAANO ILALAPIT ANG MGA BATA SA HILIG SA PAGBABASA
INSET 2020
FUELED BY JESUS GIFT GIVING
BRICKS DONATION
Our sincerest gratitude and thanks to our City Mayor Emmanuel Maliksi, Vice Mayor Ony Cantimbuhan and to our City Councilor Vince Amposta for the 4,800 bricks donation to Pasong Santol Elementary School.
Your help to our school mean a lot. Giving you our heartfelt thanks. Sa Pasong Santol ES, nagsisimula na ang asenso at progreso (December 10, 2020).
Pagpapatayo ng Bagong Gusali sa PSES, sinimulan na
Patuloy ang pagtaas ng populasyon ng Pasong Santol Elementary School kung kaya’t naging suliranin ng paaralan ang mga klasrum na gagamitin ng mga m a g aaral.
Ang problemang ito ay naranasan dalawang taon na ang nkaraan dahil sa biglang pagdami ng mga taong naninirahan sa mga barangay na malapit sa Anabu 2D.
Inaksyunan ng paaralan ang problemang kinahaharap sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga tao at ahensiya na makatutulong sa problema.
Sa tulong ng mga kawani ng Schools Division of Imus City na sina Dr. Hermogenes M. Panganiban, Engr. Jay Montealegre at G. Ronnie B. Yohan ay napabilis ang pagproseso sa itatayong bagong gusali.
Inumpisahan noong Oktubre 6 ang pagpapatayo ng gusali bilang proyekto ng DPWH at DepEd na inaasahang matatapos sa Hunyo sa susunod na taon.
Ang itinatayong gusali ay binubuo ng apat na palapag na may labindalawang klasrum na inaasahang tutugon sa patuloy na pagdami ng mga magaaral sa paaralan.
May kaukulang pondo na 42 milyong piso ang inilaan sa pagpapatayo ng bagong gusali sa ilalim ng kontraktor na MICLOVER Gen. Construction & Iron Works.
Maagap na tinugunan ng kinatawan ng Ikatlong District na si Alex A. Advincula ang inihaing pangangailangan ng paaralan kung kaya’t ito’y agad na nasimulan. Inaasahang sa susunod na Taong Panuruan ay magagamit na ang mga klasrum na itinatayo sa kasalukuyan.
(Josephine J. Hebrona)
Proyektong Balik-Bote ng SMYAC, patuloy na sinusuportahan ng PSES
Nakaagapay pa rin ang Paaralang Pasong Santol sa proyekto na “Balik,Bote”ng San Miguel Yamamura Asia Corporation (SMYAC) sa pangangasiwa ni Juvy W. Bawag,tagapanguna sa programa ng Brigada Eskwela na sinimulan noong Disyembre 2017 hanggang sa kasalukuyan.
Isa-isang nililinis ang mga bote ng mga mag-aaral at dinadala sa paaralan sa araw ng kuhaan ng SMYAC. Ang bawat baitang at seksiyon ay magpaligsahan sa pagdala ng maraming bote sapagkat ito ay may katumbas na gantimpalang appliances sa katapusan ng taon gaya ng electric fans, printer, TV, water dispenser, school supplies,wall clock at iba pa na kailangan ng paaralan.
Nakapag- ipon ng 3,664 na tons noong 2017 at ngayong buwan umabot na sa 4 na libong pirasong bote na kung saan naabot na ang target na numerong kakailanganin para sa pagbuo ng bagong mga bote” ani ni Stephen Benjamin V. Emberga, HR Assistant ng SMYAC.
“Isang malaking tulong ang joint project ng SMYAC Management at Paaralang Elementarya ng Pasong Santol”,dagdag ni G. Sia, Gurong Tagapamahala ng PSES.
Hindi lamang sa akademikong usapin nakatutok ang paaralan kundi maging sa pagreresiklo at pagmamahal sa kapaligiran.
-----Alma R. Delmindo
PSES, pinarangalan ng CISC
Tumanggap ng parangal ang Pasong Santol Elementary School bilang isa sa limang Best Scout Implementer para sa Taong Panuruan 2018-2019. Iginawad ang parangal noong Hulyo 30 ksabay ng pagdiriwang ng 2019 Scouts Memorial Day na ginanap sa Jesus Good Shepherd School.
Naging maigting ang hangarin ng paaralan sa pagpapatupad ng mga gawain para sa iskawting. Sinikap ng paaralan na maisabuhay ng mag-aaral ang tunay na layunin ng iskwating hindi lang sa paaralan kundi maging sa pamayanan.
Masigasig na ginabayan ng mga gurong iskwat lider ang mga mag-aaral sa mga gawain sa paaralan na may kaugnayan sa iskawting.
Naging susi ito upang mapabilang ang paaralan sa natatanging pampublikong paaralan sa Lungsod ng Imus sa pagpapatupad ng mga programa ng iskawting.
Pinangunahan ni Punong Lungsod Emmanuel L. Maliksi, Pangulo ng City of Imus Scouts Committee, ang pagpili sa nasabing patimpalak na kanyang pinamumunuan.
Kasama sa mga pinangaralan ang Tinabunan Elementary School, Malagasang 2 Elementary School, Pasong Buaya 2 Elementary School at Anabu 2 Elementary School. Ayon kay G. Ronald T. Sia, Gurong Tagapamahala ng paaralan, “Patuloy na isasabuhay ng paaralan ang mga gawain ng iskawting na magpapaunlad sa mga kakayahan ng mag-aaral,” “Hindi lamang mga magaaral ang aming hihikayatin gayundin ang mga magulang.” pagwawakas ni Sia.
------ (Ronald T. Sia)
Perez, nag-uwi ng ginto sa paligsahan ng 'Iispel Mo'
Muling pinatunayan ng PSES ang kagalingan sa ispeling at itinanghal na kampeon si Jeliane Eunice P. Perez, mag-aaral ng Baitang VI-Love sa isinagawang Paligsahan sa Iispel Mo na kabilang sa 2019 Pandivisyong Pista ng mga Talento noong ika-10 ng Oktubre 2019 na ginanap sa Gen. Emilio Aguinaldo National High School.
“Naging kampante po ako na manalo sa paligsahang ito kasi todo-todo talaga ang aking pagsasanay ngunit sa simula ng laban ay sobrang kabado ko pero nagdasal muna para maalis ang kaba”, ani ni Perez.
Ayon sa tagapagsanay na si Bb. Alma R. Delmindo ang paligsahan ay naglalayon na mas mapaunlad at mabigyang gabay ang mga mga guro at mag-aaral na matutunan ang mga bagong salitang Filipino na naaayon sa Komisyon ng Wika.
Ipinaabot ni G. Ronald T. Sia, gurong tagapamahala ng paaralan ang kanyang pagbati sa pagpursige at paglalaan ng oras ng guro at mag-aaral para mapaghandaan ang kumpetisyon.
Muling sasabak at maging kinatawan si Perez sa Pangrehiyong Pista ng mga Talento sa Antipolo, Rizal sa buwan ng 14-16 ng Nobyembre 2019.
---Alma R. Delmindo
PSES, nabiyayaan ng tulong mula sa Task Us
Tumanggap ang paaralan ng anim na flush toilet bowls noong Hunyo 9 mula sa TaskUs bilang premyo sa patimpalak na inilunsad ng kompanyang nabanggit.
Sa tulong ni G. Ross Edrian Hidalgo, dating GPTA President, nagwagi ang paaralan ng First Place na may kaukulang premyong nagkakahalaga ng P50,000 dahil sa entry niyang adbokasiya na pinadala sa TaskUs. Ang patimpalak na inilunsad ay TaskUs Food Forward Story Contest.
Napili ni Hidalgo ang paaralan na gawing entry sa kompanyang kanyang pinapasukan dahil nakita niya ang pangangailangan lalong-lalo na sa usapin ng WINS Program.
Ang project ng WINS ay programa ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong tugunan ang usaping pangkalusugan ng mga mag-aaral katulad ng handwashing, toothbrushing at kalinisan sa facilities ng mga palikuran.
Nakipag-ugnayan si Hidalgo sa paaralan kaugnay sa mga papeles na kinakailangang ipadala sa TaskUs kaugnay sa patimpalak.
Sa ngayon, ang nasabing anim na flush toilet bowls ay nagagamit na ng mga magaaral.
---(Lorna F. Arambulo)
Perez, angat sa RSPC,pasok sa top 10 pang 5 pa
Nagkamit ng ika-limang puwesto sa ginanap na Division Schools Press Conference (DSPC) 2019 si Lyra S. Perez sa Copyreading and Headline Writing in English na ginanap sa Bayan Luma 1 Elementary School, Setyembre 25, 26 at Oktubre 8, 2019.
Sasabak sa Regional Schools Press Conference (RSPC) si Perez na gaganapin sa Rizal Province sa darating na Nobyembre 11-13, 2019. Lalahukan ito ng iba’t ibang Division ng CALABARZON.
Nagwagi si Mary Angely N. Florin sa Editorial Column sa ika-anim na puwesto, Alyssa Jane M. Roldan sa Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita ika-walong puwesto, Ashley Mae C. Saure sa Editorial Writing Filipino 8th puwesto, Sydney L. Aranzaso Photojourn Filipino 8th na puwesto, Colapo at Steven John Colapo 8th na puwesto Sports Writing English.
“Masaya ako kasi makakasali ako sa RSPC at ibibigay ko lahat na aking makayanan para maipagmalaki ng ating paaralan,” Lyra S. Perez VI-LOVE.
Naging matagumpay ang DSPC 2019 na dinaluhan ng 26 pampublikong paaralan at 13 pribadong paaralan. Dahil sa database ginamit sa registration mas maayos ito at pansin ang aktibong pag tulong-tulungan ng bawat isang kasapi ng CIASPA.
----(Josephine J. Hebrona)
Libreng gupit, Hit that Init
Nagsagawa ng proyektong libreng gupit ang Elizabeth Seton South: Balay Rachel sa mga 40 na mga bata sa paaralan ng Pasong Santol Elementary School, Hunyo 2019.
Matiyaga na naggupit ang dalawang barbero na dala ng organisasyon na nabanggit na nag umpisa ng umaga hanggang hapon.
Ginanap ang libreng gupit noong buwan ng Hunyo para sa batang lalaki na mahahaba ang buhok at walang kakayahan magpagupit dahil sa kakulangan ng pera.
“Noong una ang libreng gupit ay madalas 4x4 o semi kalbo kumpara sa ngayon na naaayon na sa uso ng mga artista na gusto nila. gupit na hit na hit sa tag-init,” ayon kay Ma’am Nissan E. Arquiza, gurong namamahala sa proyekto.
Napakalaking pasalamat ni G. Sia, tagapamahala ng paaralan na napili ng Balay Rachel ang Pasong Santol Elementary School na isang beneficiary ng kanilang mga proyekto para sa mga batang mahihirap.
----(Josephine J. Hebrona)
Problema sa Pagbabasa inaksyunan
Nararanasan ngayon ng Pasong Santol Elementary School ang suliranin sa pagbabasa ng ilang mga mag-aaral.
Ito’y hindi na bago sa paaralan dahil kahit noong mga nakaraang taon pa ay nararanasan na ito kung kaya’t ang mga guro ay pilit hinahanapan ng solusyon ang nasabing suliranin.
Nagsanib puwersa ang paaralan at Balay Rachel ng Elizabeth Seton School- South na bigyang lunas ang hinaharap na problema ng mga mag-aaral sa pagbabasa.
Nagpatayo ng isang mini-library ang paaralan na kung saan ito ang magsisilbing lugar upang ditto isagawa ang pagpapabasa.
Nagkaloob ng mga babasahing aklat ang Balay Rachel na gagamitin ng mga guro sa mga mag-aaral sa kanilang malalayang oras upang tugunan ang nabanggit na suliranin.
Dagdag pa rito, ang inilunsad na reading intervention sa pangunguna ni ASDS Galileo L. Go ay isasanib upang mas lalo pang palakasin ang kampanya na maibsan ang nararanasang kahinaan sa pagbabasa.
Masigasig na ipinatutupad ngayon ng mga guro sa paaralan ang pagsasagawa ng pagpapabasa sa layuning mabawasan ang mga non-reader na nag-aaral sa Pasong Santol Elementary School.
------(Glenly T. Telan)
PSES Lab Coop, napiling EK Savers Awardee 2019
Mapalad na nakamit ng PSES Eskwela Kooperatiba Laboratory Coop ang panalo sa tatlong kategoryang Most Number of EK Saver Registrants, Most Number of Consistent Savers at Most Number of Consistent Savers (Grade School Category) na humakot ng kabuuang halagang P 13,0000.00 sa ginanap na Imus Kooperatiba EK Engagement Forum noong Mayo 31, 2019 sa Imus Sports Complex. Ang patimpalak na ito ay pinamunuan ng City of Imus Cooperatives, Livelihood, Entrepreneural and Entrepreneurship Development Office (CICLEEDO).
Layunin ng EK Savers Program na ito na mas mahikayat ang mga mag-aaral na sumali at maging miyembro sa Eskwela Kooperatiba at bigyang pagpapahalaga ang pag-iipon. Ang bawat EK member ay may pagkakataong manalo sa EK Savers Program sa pamamagitan ng pagsagot sa isang EK Savers Form na naglalaman ng mga katanungan tungkol sa layunin ng pag-iipon, magkano ang kakailanganing ipon,paano makakalikom ng pondo para sa pag-iipon at magkano ang maiipon pagdating sa pagtatapos ng Marso. Ang mapipiling miyembro sa bawat paaralan ay dapat may kasagutang tugma sa naging deposito sa kanyang pasbuk at may magandang hangarin sa kanyang pag-iipon. Habang ang mapipiling paaralan sa patimpalak ay binubuo naman ng maraming EK members na nakiisa sa pagsagot ng EK Savers Form.
“Lubos na natutuwa ang ating Punong Lungsod na si Mayor Maliksi na mas marami ng mag-aaral ang tumangkilik sa proyektong ito”, wika ni Dr. Emmanuel M. Santiagel, pinuno ng CICLEEDO.
Ang nasabing pagtanggap ng parangal ay dinaluhan ng mga miyembro at opisyales CICLEEDO, Pamunuan ng Anadeco Development Cooperatives (ANADECO) na naging Guardian Coop ng PSES, G. Ronald T. Sia, Gurong Tagapamahala at Bb. Alma R. Delmindo (EK Focal Person).
--------(Alma R. Delmindo)
Canobas, muling nakasungkit ng ginto patungong Provincial Meet
Muling ginulat ng PSES paddler na si Maylizza Faye P. Canobas nang malusutan muli ang kalaban at nag-uwi ng ginto laban sa PB 1 blocker, Jennyvive Mateo sa iskor na 3-1 gamit ang kanyang pangmalakasang "smashes” sa isinagawang Table Tennis Event – Girls Single Category na ginanap sa Imus Pilot Elementary School, Setyembre 22.
Nagpatikim agad si Canobas ng kanyang mala mahikang mga smashes para madepensahan ang sarili laban sa naging katunggaling si Mateo ng PB 1. Pigil ang hininga dahil walang poknat ang kabilaang tira ng bola ang bawat koponan. At sa unang set pa lamang, pinatalsik nito gamit ang liksi at bilis nito dahilan sa pagkakaroon ng kalaban ng mga sunod- sunod na mga outside balls,11-8. Parang nagising mula sa pagkatulog si Mateo nang sineryoso niya na ang laban na nagpaliit sa lamang ni Canobas ngunit hindi pa rin ito umubra kay Canobas,11-9
Nag-init na si Mateo at pilit na nagpalabas na ng kanyang moves na nakakagulat para maitawid ang huling set pero namayani pa rin si Canobas na nagtapos sa score na 12-0. “Sobrang nakaka proud ang ginawang pag depensa ni Canobas. Masaya ako dahil sinunod talaga niya ang mga teknik na itinuro ko sa kanila. Nakikita ko rin sa kanila ang determinasyon at pagtitiyaga sa pageensayo kaya sila nagwagi.”ayon sa tagapagsanay na si Sir Erickson Eduria.
Napaiyak talaga ako sa tuwa sa pagtatapos ng laro dahil sa kabila ng hirap nito ay napanalo namin . Sa bawat paghampas ko ng bola halos nanginginig na ang aking mga tuhod lalo na noong makita ko na maliit na lang ang lamang ko .”, paglilinaw ni Canobas. Nabigong lumamang ang mga kalaban dahil sa ipinakitang pagpupursige ng PSES paddler. Patunay lamang ito na kapag may tiwala at tiyaga, may pagtatagumpay.Umuwing may ngiti sa labi ang manlalaro dahil sa tagumpay na nakamit.
----------
2 GURO NG PSES, TUMANGGAP NG PAGKILALA
ni : Rodelyn D. Castro
Idinaos noong Oktubre 5 sa Imus Sports Complex ang selebrasyon ng Araw ng mga Guro 2022 sa Sangay ng Lungsod ng Imus.
Dinaluhan ito ng mga pampublikong paaralan sa elementarya, junior high school, at senior high school sa nasabing sangay.
Nagkaroon ng banal na misa sa unang bahagi ng gawain at sinundan ng pagpaparangal sa mga natatanging guro ng dibisyon.
Dalawang guro mula sa Pasong Santol Elementary School ang tumanggap ng award sa pagdiriwang. Tinanggap ni Ronald T. Sia ang prestihiyosong award na Gawad Natatanging Angat sa Paglilingkod na ipinagkaloob ni Dr. Rosemarie D. Torres, Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Lungsod ng Imus. Ipinagkaloob kay Priscilla A. Gabriel ang Service Award dahil sa kanyang paglilingkod sa kagawaran sa loob ng 25 taon.
Binigyan din ng parangal ang mga gurong natatangi sa iba’t ibang kategorya na nagpakita ng angking galing sa larangan ng pagtuturo.
Dumalo sa pagtitipon ang Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Cavite na si AJ Advincula. Kasama niya sa okasyon ang Mayor ng lungsod na si Alex “AA” Advincula, Vice Mayor Homer Saquilayan at mga city councilor ng lungsod.
Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pa-raffle na ipinagkaloob sa mga guro.