
Brigada Pagbasa: SANTOLAN PAGBASA STATION: PANDAYAN NG KASANAYAN SA PAKIKIPAGTALASTASAN
Ang salitang pakikipagtalastasan ay galing sa salitang ugat na talastas na ang ibig sabihin ay alam at panlaping pakikipag/an na ang tinutukoy ay proseso o paraan ng pagsasagawa nang hindi isahan kundi dalawahan o maramihan sapagkat dapat ay may magkabilang panig na nasasangkot: isang nagsasalita at isang nakikinig. Nagbibigay ng impormasyon ang nagsasalita dahil may alam siya sa nakikinig at tumatanggap naman dahil wala pang alam o kulang pa sa nalalaman kaya gusto nitong punan ang patlang o dagdagan pa ang kaalaman at vice versa.
Sa madaling salita, ang pakikipagtalastasan ay pagpapalitang-usap para sa kapuwa makinabang ng kaalaman ng isa’t isa.
Isinasaalang-alang ng Pasong Santol Elementary School ang 4 na pananaw para madaling maintindihan ang pakikipagtalastasan sa pagsasagawa ng Brigada Pagbasa.
1.Saysay- ang kahulugan at kabuluhan ang tinitingnan para magkaroon ng saysay ang pagbabasa.
2.Damdamin- ang kahulugan ng ating sinasabi ay makikita kung paano natin binibigyan ng damdamin ang ating mga pananalita.
3.Tono- sa tono hayagang makikilala ang relasyon ng nagsasalita sa nakikinig.
4.Layunin- Ang layunin ay bahagi ng kabuuan ng sinasabi para agad maintindihan ang kahulugan.





















