top of page
Ang Paaralang Elementarya ng Pasong Santol ay nakikiisa sa programa ng Pamahalaang Panlungsod ng Imus kaugnay sa Executive Order # 19-A o NO SEGREGATION, NO COLLECTION POLICY at Environment Code Chapter V, Sec. 48 o ang PAGBABAWAL SA PAGKAKALAT NG BASURA.
Ipinatutupad sa paaralan ang tamang segregation ng mga basura. Nasa likod ng gawaing ito ang mga guro, YES-O at Supreme Pupil Government (SPG). Ang mga officers ng YES-O at SPG ang responsible sa pangongolekta ng mga plastic at foil sa natipong basura. Ito’y kanilang ibinababad sa tubig na may sabon upang mawala ang lagkit at dumi. Matapos labhan ito’y kanilang ibinibilad upang matuyo. Ginugupit nila ito sa maliliit na piraso at ginagawang throw pillows.
Ang mg naipong throw pillows ay kanilang ibinibigay sa paaralan upang magamit. Ang programang ito ng paaralan ay puspusang ipinatutupad bilang suporta upang sagipin ang ating kapaligiran sa patuloy na pagkasira.
Mga Gawain:
· Pangongolekta ng plastic/ foil sa basurahan – Biyernes, 7am
· Pagbababad/ Pagbabanlaw/ Pagpapatuyo-Lunes, 7am
· Paggugupit-Martes at Miyerkoles- 3pm
Mga Kautusan sa Paaralan na Ipinapatupad Kaugnay sa Malinis na Kapaligiran at Pagreresiklo
1. Ang bawat klasrum ay dapat may 3 basurahan.
(Nabubulok, Di- nabubulok at Nareresiklo)
2. Tuwing araw ng Miyerkoles ang pangongolekta ng CENRO ng basura kaya dapat sa araw ng Martes ay kailangang mailabas na ang mga basura mula sa kanya-kanyang klasrum.
3.Ang trash bags o sako na puno ng basura ay dapat nakatali.
4. Ang mga plastic o foil ng biscuit ay hindi isasama sa basurahang kokolektahin ng CENRO.
5. Ang mga maiipong plastic o foil ay iipunin ng YES-O at Supreme Pupil Government Officers ng Pasong Santol Elementary School. Ito’y ibababad sa tubig na may sabon upang mawala ang dumi at lagkit.
6. Ang mga foil at plastic ay gugupitin sa maliliit na bahagi at gagawing throw pillow. Ito’y pangangasiwaan ng Yes-O at SPG.
7. Ang mabubuong throw pillow ay ihahandog sa TLE room.
8. Katuwang ang dyanitor ng paaralan na si G. Rodolfo Pabilario sa paghihiwalay ng mga basura
9. Ang pagsunod sa kautusan ay inaasahan na susundin ng lahat.
10 Mahalin ang kapaligiran, kumilos at isabuhay.
Throw Pillow
CONNECT WITH US
HOW MANY VISITED US?
bottom of page